Dalawang katao ang kumpirmadong patay nang matabunan ng gumuhong lupa at bato ang kanilang komunidad sa Sitio Bua, Barangay Dianawan, Maria Aurora, Aurora, nitong Huwebes ng gabi.

Kinilala ni Noblito de Vera, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer (MDRRMO), ang mga nasawi na sina Joel Macabitasa at Felix Wangit.

Ayon kay De Vera, nangyari ang landslide dakong 7:00 ng gabi noong Huwebes subalit ito ay naipaalam lamang ng mga residente sa awtoridad matapos silang makaligtas sa trahedya kinabukasan ng umaga.

Hanggang kahapon, nagpapatuloy sa paghuhukay ang mga rescue team sa pangambang mayroon pang biktima na nabaon din ng buhay subalit tinigil din nila ito dahil sa takot na muling gumuho ang lupa.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Dahil sa layo ng lugar, kailangang maglakad ng mga rescue volunteer ng halos walong oras bago makarating sa pinangyarihan ng trahedya. Hindi rin maabot ng heavy equipment na sana’y gagamitin sa pag-ahon ng malalaking bato at bulto ng putik. (Ariel P. Avendano)