Magsisilbing tahanan ng mga manlalaro ng pambansang koponan sa larong volleyball ang Arellano University Gym sa Pasay City.

Ito ang inihayag ni larong Volleyball ng Pilipinas Incorporated (LVPI) president Jose “Joey” Romasanta sa pagdalo nito sa Year-End Assessment ng Philippine Sports Commission (PSC) nitong Huwebes ng hapon.

“The LVPI will be holding office in the Arellano Sports Complex in Pasay,” sabi ni Romasanta. “It will also be the venue for all the events, activities, seminars, coaches and athletes training as well as with the preparation and complete training of the national volleyball players,” sabi pa ni Romasanta.

Kahapon, habang sinusulat ang balitang ito ay nakikipag-usap naman si Romasanta sa iba pang opisyales ng LVPI para programang ilalatag nila sa susunod na taon pati na rin ang pagbubuo ng Philippine Under 19 volley team na isasabak nito sa internasyonal na torneo.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“It was a very hectic 2015,” sabi ni Romasanta. “Napakaraming concern for us but we were able to prove na kaya natin. Natapos na rin ang ating sleepless nights at anxiety sa mga problema but we were happy now that we are accepted completely in the international community.”

Ipinaliwanag ni Romasanta na matapos na pormal na tanggapin bilang miyembro ng Asian Volleyball Confederation at Federation International des Volleyball ay ninanais ng dalawang internasyonal na asosasyon na maiangat ang kalidad ng volleyball sa bansa sa paglalatag dito ng iba’tibang torneo.

“Ang daming offer sa atin for hosting, that is why we will be having a whole-day meeting on Friday,” sabi nito.

Kabilang sa kanilang agenda ang nakatakdang torneo sa 2016 kung saan kinakailangang lumahok ang Pilipinas sa dalawang magkasunod na torneo na kapwa gaganapin sa Thailand para sa Under 19 women’s squad.

“We are very excited about this dahil ito naman talaga ang plano natin, to have a new generation of players,” sabi nito. “We plan to have a pool of no less than 24 players and nakakatuwa dahil maraming players ang gustong agad na makasali at maraming interesadong tumulong,” sabi nito.

Ang koponan ay bubuuin naman sa 2016 bilang preparasyon na rin sa paglahok ng bansa sa 2017 SEA Games sa Malaysia.

“Nais naming gamitin ang mga coaches na walang hinahawakang team to devote their time in the national team. Ayaw kasi namin iyung nangyayari sa Gilas na kulang-kulang kapag nagpapraktis. Napakaraming kasunod na mga players kaya gusto namin itong pagtulungan talaga kasama ang NCAA at UAAP,” pagtatapos ni Romasanta.