BEIJING (Reuters) — Nagbabala ang China sa mga residente nito sa hilaga ng bansa noong Biyernes na maghanda sa bugso ng matinding smog ngayong weekend, ang pinakamalala ay inaasahan sa kabiserang Beijing, nagtulak sa lungsod na maglabas ng ikalawang “red alert”.

Sinabi ng National Meteorological Centre na magsisimulang gagapang ang smog sa Xian, ang lugar ng Terracotta Warriors, hanggang sa ilang bahagi ng China, hanggang sa Beijing at patungong Shenyang at Harbin sa napakalamig na hilagang silangan ng China.

Mararanasan ang air pollution simula Sabado ng gabi at magtatagal hanggang sa Martes.
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina