LOS ANGELES – Umiskor si James Harden ng 25 puntos habang nagdagdag naman si Dwight Howard ng 16 puntos at 15 rebounds upang pangunahan ang Houston Rockets sa kanilang ikalawang panalo kontra Los Angeles Lakers sa loob ng anim na araw,107-87.

Nag-ambag naman si Terrence Jones ng 16 puntos upang makaiwas ang sa winless three-game trip.

Sa pagkakataong ito, hindi sila naghabol sa naturang ikalimang panalo laban sa Lakers sa Staples Center, ang kanilang longest road winning streak sa kasaysayan ng rivalry ng dalawang koponan.

Nagtala si Kobe Bryant ng 22 puntos at nag-dunk pa sa unang pagkakataon sa kanyang farewell season, ngunit hindi nito nagawang dugtungan ang apat na panalo ng Lakers at sa halip ay bumagsak sa ika-14 nilang kabiguan sa 16 na laban.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nagdagdag naman si Julius Randle ng 18 puntos at 10 rebounds para sa Lakers, upang tulungang makaiwas ang koponan sa isa na namang blowout loss sa kamay ng Rockets matapos silang gapiin ng mga ito ng 29 puntos noong nakaraang linggo.

Nagtala naman si Harden ng 17 puntos sa first half para sa Rockets,na umabante ng 16 puntos sa panimula ng laro. (AP)