Tinanggap ng mga lokal na opisyal ng Rizal si dating Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman, ngayon ay kandidato sa pagkasenador na si Francis Tolentino, bilang “honorary citizen” hindi lang dahil sa tiwala sa kanyang kakayahan kundi dahil sa Angono, Rizal, ang yumaong si Senador Arturo M. Tolentino.

Bukod dito, tiniyak din ng mga opisyal at miyembro ng Rizal Mayors’ League at ni dating Governor Ito Ynares na todo-suporta sila sa kandidatura ng dating MMDA executive.

“Ipagmamalaki ko po ang pagtanggap sa akin ng mga mamamayan ng Rizal. Ako ay nagpapasalamat na kinilala ng Mayors’ League at Governor Ynares ang pinagmulan ng aking mga ninuno at kanilang kontribusyon sa lipunan,” pahayag ni Tolentino sa isang pagpupulong sa Pasig City kamakailan.

Matatandaan na inihayag ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte, na tumatakbo sa pagkapangulo sa 2016, na nais niyang makasama si Tolentino sa kanyang senatorial line-up.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Dating alkalde ng Tagaytay City, pinasalamatan ni Tolentino ang pag-endorso sa kanya ni Duterte, na ikinokonsidera siya bilang disenteng opisyal ng gobyerno.

Hinangaan ni Duterte si Tolentino dahil sa simpleng pamumuhay nito, maging noong namumuno pa sa MMDA.

Oktubre 14 nang naghain ng kanyang kandidatura sa pagkasenador si Tolentino at suportado rin siya ni Cavite Governor Jonvic Remulla at iba pang alkalde ng lalawigan, sa pamamagitan ng isang resolusyon na ipinasa ng Sangguniang Panlalawigan. (Robert Requintina)