Dalawang miyembro ng Philippine Army (PA) ang nasugatan sa pananambang ng umano’y mga miyembro ng New People’s Army(NPA) sa Western Samar habang patungo sa Tacloban City upang maghatid ng relief goods sa mga biktima ng bagyong ‘Nona’, kahapon ng umaga.

Ayon kay Lt. Col. George Domingo, commander ng 87th Infantry Battalion, nangyari ang pananambang dakong 6:00 ng umaga sa Barangay Pahug, Pinabacdao, Western Samar.

Ang mga sugatan ay kinilalang sina Pfc. Roel Dalaota at Pfc. Jay Sercado, kapwa ng 546th Engineering Construction Batallion (ECB) at 83rd Division Reconnaisance Company (DRC).

Batay sa report na tinanggap ng Pahug Municipal Police, kasama ng mga sundalo ng mga kinatawan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) nang mangyari ang insidente.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Sinabi ni Domingo na hindi nila natukoy ang bilang ng mga rebeldeng nanambang dahil makapal ang ulap sa lugar ng mga oras na iyon.

Pawang kababaihan na empleyado ng DSWD na naghatid ng relief goods sa Northern Samar, ayon sa ulat ng militar.

(Fer Taboy)