ncaa volleyball copy

Napanatili ng University of Perpetual Help ang kanilang pamumuno at malinis na kartada sa juniors at men’s division sa ginaganap na NCAA Season 91 volleyball tournament matapos manaig kontra Lyceum of the Philippines University, kahapon sa San Juan Arena.

Winalis ng defending juniors champion Junior Altas ang Junior Pirates, 25-10, 25-19, 25-17, sa pamumuno nina Ryuji Conrad Etorma at Ivan Encila na tumapos na may 13 at 10 punmtos ayon sa pagkakasunod.

Ang panalo ang ikaapat na sunod para sa Junior Altas habang nalaglag naman ang Junior Pirates sa ikatlo nilang kabiguan sa loob ng limang laban.

Human-Interest

AI software na detector ng bara sa puso, inimbento ng Grade 11 students

Inspirado mula sa kanilang naitalang upset win kontra reigning champion Emilio Aguinaldo College, nakauna pa ang Pirates sa Altas , 2-1, matapos angkinin ang second at third frames bago tumiklop sa huling dalawang sets.

Nagtala ng 17 puntos si Rey Taneo Jr. na kinabibilangan ng 12 hits, 4 na blokcs at 1 ace habang nag-ambag ng tig-14 puntos ang mga kakamping sina Ranidean Philippe Abcede at Alan Jay Salanan para pamunuan ang Altas sa kanilang ikaanim na dikit na tagumpay.

Nanatili naman ang Pirates na pinangunahan ni Joeward Fresnede na umiskor ng game-high 18 puntos sa ikaanim na posisyon kahit na bumagsak sa barahang 3-4. (MARIVIC AWITAN)