Pinasalamatan at pinuri ng Embahada ng Pilipinas sa Baghdad ang mga awtoridad ng Kurdistan region ng Iraq sa matagumpay na pagliligtas at pagpapauwi sa 10 Pilipina na nabiktima ng human trafficking doon.

Sa sulat na ipinadala kay Prime Minister Nechirvan Barzani ng Kurdistan Regional Government, ipinaabot ni Chargé d’Affaires Elmer G. Cato ang pasasalamat ng Embahada para sa pagtulong na makauwi ang mga Pinoy, may dalawang buwan na ang nakalipas.

Tiniyak ng embahada ang pagpapaigting sa ugnayan nito sa Kurdistan Regional Government at sa International Organization for Migration (IOM) para sa kapakanan at proteksiyon ng mga Pilipino at ibang migranteng manggagawa sa hilaga ng Iraq.

Tinatayang 2,000 Pinoy ang naninirahan at nagtatrabaho sa oil and gas, health, hospitality at services sector sa Kurdistan region ng Iraq. (Bella Gamotea)

Tsika at Intriga

Chloe, matapang na niresbakan nagsabing niretoke ilong niya