CAMP JUAN, Ilocos Norte – Isang kandidato sa pagkakonsehal sa susunod na taon at incumbent barangay kagawad ang namatay nitong Huwebes habang ginagamot sa ospital matapos siyang barilin ng mga hindi nakilalang mga suspek na magkaangkas sa isang motorsiklo sa Sitio Tulnagan sa Barangay 7, Caruan, Pasuquin, Ilocos Norte nitong Miyerkules ng gabi.

Sinabi kahapon ni Chief Insp. Jonathan Papay, tagapagsalita ng Ilocos Norte Police Office,na namatay si Salvador Castillo y Lagazo, 55, kagawad ng Barangay 6 Dilavo sa Pasuquin, habang ginagamot sa ospitaldahi sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Napaulat na nangyari ang pamamaril dakong 7:30 ng gabi nitong Miyerkules. Pauwi an si Castillo sakay sa kanyang motorsiklo matapos dumalo sa lantern parade nang habulin siya ng mga suspek at ilang beses na pagbabarilin.

Agad na nakatakas ang mga suspek dala ang baril na ginamit sa krimen.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sa awtopsiya, naalis ng mga doktor ang mga bala ng .45 caliber pistol mula sa bangkay ng biktima. (FREDDIE G. LAZARO)