Ipinaliwanag ni reigning WBO super bantamweight champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire Jr., na bukas siya sa negosasyon para sa second fight o rematch kay Mexican boxer na si Cesar Juarez.

“The reason is lahat ng mga tao all around the world, nag-enjoy. So if we could give them another fight, let’s do it,” ang pahayag ni Donaire sa isang radio interview noong Huwebes.

“If they make the fight, okay sa akin.”

Nagawang talunin ni Donaire si Juarez sa isang laban noong nakalipas na Linggo sa San Juan, Puerto Rico kung saan tinagurian itong “Fight of the Year”.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ang matikas na Filipino-American na si Donaire ay dalawang beses pinabagsak si Juarez sa fourth round, subalit nagawa naming lituhin ni Juarez si Donaire sa second half ng laban.

Gayunman, kahit na nga may sakit na nararamdaman si Donaire sa kanyang injured feet, natalo nito si Juarez sa 12-round via unanimous decision.

“I thought na before Round 6, mana-knockout ko s’ya,” ang pag-amin ni Donaire. “I dropped him twice sa fourth round and then the unfortunate thing is I twisted my foot. But I don’t want to take anything from the guy, matapang siya at parang robot.”

Nagulat din umano si Donaire sa paraan ni Juarez kung saan nagagawa pa nitong tumayo at lumaban sa kabila ng mga bigwas na inabot nito mula sa kanya.

“Everytime na sinusuntok ko sya ng malakas, bumabalik kaagad. Sabi ko ‘what’s wrong with this guy?’ Kahit siguro baseball bat ang gamitin ko, babalik pa rin,” ang sabi pa ni Donaire. “I’ve never faced anyone like that.”

Ayon pa ditto, sa magaganap na rematch nila ni Juarez, gusto niya na dapat na matalo niya ito sa mas kumbinsidong paraan.

“[The win was] convincing but I want to make it more convincing,” ang dagdag pa ni Donaire.

Kung may lulutang man umano na kanyang makakalaban, nakahanda silang harapin at labanan ni Donaire.

“Kung may ibang challenger dyan, hindi rin ako aatras,” ang pahayag nito. (ABS-CBN Sports)