Muling magpapakitang gilas sa South Africa si two-time world title challenger Jether Oliva na haharapin si dating IBF 115 pounds champion Zolani Tete para sa bakanteng WBO Africa super flyweight title bukas sa East London.

May kartadang 23-3-2 win-loss-draw na may 11 pagwawagi sa knockouts, unang lumaban si Oliva sa South Africa nang harapin si dating IBF flyweight titlist Moruti Mthalane para sa bakanteng IBO 112 pounds title pero natalo sa kontrobersiyal na 12-round split decision noong Marso 15, 2014 sa Durban, Kwa-Zulu Natal.

“Jether knows he is facing a very talented fighter in Tete. But he will do everything to shock the world,” sabi ng manager ni Oliva na si Jim Claude “JC” Manangquil na ikinuwento pang kasama ng boksingero sina trainers Renie Gabawa at Ramon Falgui.

Unang lumaban para sa kampeonatong pandaigdig si Oliva noong 2011 nang hamunin niya si dating Mexican IBF light flyweight champion Ulises Solis pero natalo sa puntos sa sagupaang ginanap sa Guadalajara, Jalisco, Mexico.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Naging kontrobersiyal naman si Tete nang bitiwan ang IBF title na nahablot niya kay Japanese Teiru Kinoshita sa 12-round unanimous decision noong Hulyo 18, 2014 sa Portopia Hotel sa Kobe, Hyogo, Japan.

May rekord na 21-3-1 win-loss-draw na may 18 pagwawagi sa knockouts, natalo lamang si Tete sa stoppage nang hamunin ang kababayang si Mthalane para sa IBF flyweight title noong 2010 via 5th round TKO.

Malaking tulong para kay Oliva kung magwawagi siya kay Tete dahil nakalista pa rin ang South African na No. 8 sa WBC at No. 12 sa WBA sa super flyweight division. (Gilbert Espeña)