Pinatawan ng Sandiganbayan ang isang dating huwes ng Camarines Norte Regional Trial Court (RTC) ng tatlong taong pagkakakulong matapos mapatunayang nangotong sa isang kawani ng gobyerno na nahaharap sa kasong kriminal halos 14 na taon na ang nakararaan.

Sinabi ng Office of the Ombudsman na iniharap ng prosekusyon sa korte ang mga testigo na nagsabing nanghingi at tumanggap ng P400,000 si dating Judge Owen Amor ng Daet, Camarines Norte mula kay Supt. Danilo Manzano noong Enero 2000 bilang kapalit ng pagbabasura sa mga kasong kriminal na inihain laban sa pulis na dinidinig sa kanyang sala.

Ayon pa sa Ombudsman, mismong si Manzano rin ang nagsabi na inimbitahan siya ni Amor sa bahay nito at sinabi ng huwes sa akusado na mabigat ang kinahaharap niyang kaso at inalok siya ng P1 milyon ng complainant upang siya masentensiyahan.

Sa puntong ito, humingi ng tulong si Manzano sa Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF) na nagsagawa ng entrapment operation sa Sulo Hotel sa Quezon City noong Enero 24, 2000 na nagresulta sa pagkakaaresto ni Amor matapos tumanggap ng boodle money mula sa mga police agent.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa desisyong may petsang Disyembre 1, 2015, sinabi ng anti-graft court “the facts and evidence presented by the prosecution positively show that indeed, Judge Amor solicited and accepted money from P/Supt. Danilo Manzano.”

(Jun Ramirez)