Nakaumang ang reorganization sa Energy Regulatory Commission (ERC).

Ayon kay ERC Chairman, Atty. Jose Vicente B. Salazar, layunin nitong palakasin ang ahensya at mas mapagsilbihan nang mabuti ang publiko.

Binanggit niya ang mandato ng ERC na protektahan ang kapakanan at karapatan ng publiko partikular na ang mga consumer.

Pelikula

Vice Ganda, inihalintulad si Robredo sa kaniyang karakter: <b>‘Ikaw ang naging breadwinner nating lahat’</b>

Sinabi Salazar na ang pagbalasa ay base sa rekomendasyon ni Commissioner Geronimo Sta. Ana na gawing “services” ang ilang dibisyon na may dalawa o tatlong dibisyon para maging isang departamento.

Dahil dito, mangangalap sila ng dagdag na empleyado para mapalakas ang manpower.

“We hope that we will get the right people to work with,” wika Salazar at binanggit na mahigit 250 katao ang kukunin nila para sa serbisyo.

Batay sa rekomendasyon, direktang mag-uulat sa Chairperson Office ang pinuno ng dibisyon. (Mac Cabreros)