BORACAY ISLAND - Umabot sa limang pawikan ang sunud-sunod na nadiskubre ng Philippine Coast Guard (PCG) sa baybayin ng Boracay Island sa Malay, Aklan.

Ayon kay Lt. Junior Grade Edison Diaz, hepe ng PCG-Caticlan, dalawa sa mga pawikan ay patay na nang matagpuan.

Kaagad namang nai-turnover ng PCG ang mga pawikan sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Inaalam naman ng DENR kung ano ang dahilan ng pagkamatay ng dalawang pawikan.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Ayon kay Diaz, nakikipag-ugnayan din ang PCG sa DENR para sa imbestigasyon.

Nadiskubre ang pawikan sa pagitan ng Disyembre 8 at 12. (Jun N. Aguirre)