Habang abala ang lahat sa pagbibilang ng araw bago ang Pasko, taimtim na nananalangin ang pamilya ng overseas Filipino worker (OFW) na si Joselito Zapanta, na nahatulan ng bitay, upang mapigilan ng “himala” ang pagpapataw ng parusa (execution) sa kanilang mahal sa buhay sa Saudi Arabia.
Si Zapanta ay nagtrabahong tile-setter sa Saudi Arabia noong 2007. Hunyo 2009 nang maaresto siya at hinatulan ng kamatayan dahil sa pagpaslang sa kanyang Sudanese landlord matapos ang mainit nilang pagtatalo tungkol sa renta.
Nobyembre 2012 nang humingi ang pamilya ng Sudanese ng blood money na SR 5-million katumbas ng P50 milyon, na bumaba sa P48 milyon, at sa tulong ng gobyerno ng Pilipinas ay nakalikom ng P23 milyon na kulang pa para maisalba ang buhay ni Zapanta.
“Unfortunately, the Sudanese family has refused any amount lower than their demand of P48 million. This means that the Zapanta family needs to raise P25 million in a span of two weeks, or maybe less, considering that a royal decree had already been issued for the implementation of the sentence,” sabi ni Susan Ople, presidente ng Blas F. Ople Policy Center.
Ayon kay Ople, nagpasaklolo sa Center ang ina ni Joselito na si Ramona kasama ang kapatid ng OFW na si Rosemay upang ihayag, sa pamamagitan ng media, ang kanilang apelang tulong.
“Joselito called me up yesterday to seek help and gave permission for the family to make the necessary media rounds with the hope that some good Samaritans would be able to help them. The amount is so huge and the family is really cash-strapped and extremely poor,” kinumpirma ni Ople na kandidato sa pagkasenador sa 2016 elections sa ilalim ng Nacionalista Party.
Noong Lunes, nagtungo si Ople sa Saudi Arabia at nakausap mismo si Philippine Ambassador to Riyadh Ezzedin Tago, na kumumpirma sa kaso ni Zapanta na inilarawang “extremely urgent”. (Bella Gamotea)