KALIBO, Aklan - Apat na magpipinsang paslit ang kasalukuyang nagpapagaling sa provincial hospital matapos mahilo ang mga ito sa kinaing spaghetti.

Ayon sa mga ina ng mga bata, naimbitahan ang kanilang mga anak ng lola ng mga ito sa selebrasyon ng kaarawan ng matanda at Christmas party na rin.

Matapos kumain ng spaghetti, agad na nahilo at nagsusuka ang mga biktima kaya mabilis silang isinugod sa ospital.

Ang magpipinsan ay edad lima, pito, siyam, at 12.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Patuloy namang inaalam ng mga doktor ang dahilan kung bakit nahilo ang mga biktima sa spaghetti na inihain ng kanilang lola. (Jun N. Aguirre)