Nasa 20 kabataang swimmers mula sa Philippine Swimming Incorporated (PSI) ang nagsipagwagi ng gintong medalya sa isinagawang 2015 Speedo National Short Course and Long Course Swimming Championships na ginanap sa Valle Verde Golf and Country Club.
Nanguna sa pinakamaraming naiuwing gintong medalya sa natatanging torneo ang 14-anyos na si Xiandi Chua na walang kinabibilangang koponan matapos humakot ng 16 na ginto. Ikalawa sa may pinakamaraming naiuwing gold medals ang 11-anyos na si Janelle Alisa Lin ng Balon Dagupan Swim Club na may 14 na ginto.
Humakot din ang 12-anyos na si Mico Angelo Del Poso ng MDSF Vikings Swim Club ng 12 ginto, habang ang 17-anyos na si Romina Rafaelle Gavino ng Ayala Harppon Swim Club ay may 10 ginto.
Kapwa nagwagi ng tig-siyam na ginto ang 12-anyos na si sina Raphael Santos na walang sinalihang koponan na may 9 na ginto at 20-anyos na si Ma. Andrea Katrina Torres ng Gators.
Ang 16-anyos na Palarong Pambansa standout at national pool na si Kirsten Chloe Daos ng PSSC ay may 8 ginto kasama ang 13-anyos na si Althea Baluyut ng AWSC at ang 16-anyos na si Maurice Sacho Ilustre pati ang 14-anyos na si Christian Sy ng SSHS.
May pitong ginto naman ang 13-anyos na si Althea Baluyut ng AWSC, ang 15-anyos na si Dara Nichelle Carreon ng XSSC, ang 18-anyos na si Courtney Gray ng XSSC at ang 15-anyos na si Rafael Barreto ng AHSC.
Ang 13-anyos na si Marco Austriaco ng Gator ay may iniuwing anim na ginto, kasunod ang 21-anyos na si Axel Toni Ngui ng XSSC na may 5 ginto kasama ang 17-anyos na si Alyssa Nicole Pogiongko ng VVSC-AK, at ang 17-anyos na si Alnair Guevarra ng ESS.
Nag-uwi rin ang 19-anyos na si Monica Padilla ng PSSC ng limang ginto kasama ang kakampi na 15-anyos na si Regina Maria Paz Castrillo habang ang 12-anyos na si Alyza Ng ng AWSC ay may apat na ginto.
Ayon kay Philippine Swimming Inc. (PSI) Technical Director Richard Luna, hangad ng torneo na makapag-develop ng kapasidad at kakayahan ng mga batang atleta na mapabilis ang kanilang mga oras sa iba’t ibang event sa swimming base sa itinakda ng kinaaaniban nitong internasyonal na asosasyon na FINA.