Mahigit 1,000 senior citizen ang nakatakdang lumahok sa natatanging programa na itinataguyod ng Philippine Sports Commisison para sa kanilang kalusugan, pisikal na aktibidad at kasiyahan sa pakikisalamuha sa kanilang mga kaedad sa “Walk A Mile” na sisimulan ngayong umaga sa Pinaglabanan Shrine sa San Juan City.

Sinabi ni PSC Chairman Richie Garcia na isasagawa ang paglalakad ng mga senior citizenng distansiyang 4.5 kilometro, isang mabisang paraan para mapanatili ang maayos na paghinga at pagpapanatili ng kanilang pisikal na aktibidad.

“Karamihan sa atin ay hindi alam na maganda sa kalusugan ang paglalakad, o breeze walking, kaya talagang ginawa natin ito para sa ating mga senior citizens para mapanatili ang kanilang kalusugan,” sabi ni Garcia.

Unang magsasagawa ang City of San Juan sa pangunguna ng Office of the Mayor ngayong ganap na alas-5:30 ng umaga, Disyembre 18, na susundan ng Davao City sa pamumuno ng Office of the Mayor sa Disyembre 21, bago ang Bacolod City sa pagtataguyod ng Province of Negros Occidental sa Disyembre 28.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Huling magsasagawa ang Province of Isabela na pamumunuan ng Provincial Government sa Disyembre 29. (ANGIE OREDO)