UNITED NATIONS (PNA/Xinhua) – Magkaisang pinagtibay ng UN Security Council noong Huwebes ang resolusyon na pumuputol sa mga pondo ng extremist group na Islamic State (IS), isang mas matibay na hakbang ng international community para labanan ang terorismo.

Ipatutupad ang asset freeze, travel ban at arms embargo laban sa Islamic State, kilala rin bilang ISIL at Daesh na kumokontrol sa malaking bahagi ng Syria at Iraq, kabilang na ang mga oil at gas field, ayon sa resolusyon.

Pinagtibay ito ng 15-nation UN body sa isang bukas na pagpupulong na pinamunuan ni US Treasury Secretary Jacob Lew, na ang bansa ang may hawak ng rotating council presidency para sa Disyembre.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina