Dalawang sundalo ang namatay habang apat ang nasugatan nang mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang army truck sa Calanasan, Apayao, iniulat kahapon.

Ayon sa Calanasan Municipal Police Station (CMPS), naganap ang insidente sa Sitio Ravao, Barangay Naguilian, Calanasan, Apayao.

Kinilala ang mga namatay na sina Pfc. Venerando Kenneth, 23, ng Nueva Ecija, at T/Sgt. Alberto Agustin, 38, ng San Mateo, mga kasapi ng 502nd Brigade ng Infantry Battalion ng Philippine Army.

Ginagamot ngayon sa Northern Cagayan Hospital sina Capt. Joel Dangli, Sgt. Presco Zalun, Sgt. Joel Belo, Pfc. Vladymir Valdez.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Ayon kay Senior Supt. Robert Gallardo, hepe ng Apayao Provincial Police Office, nanggaling sa Poblacion, Calanasan ang mga sundalo matapos dumalo sa libing ng pitong tauhan ng 502nd IB na nakabase sa Cagayan at pabalik na sa Cagayan nang mangyari ang aksidente.

Sinabi ni Gallardo na tumama ang gulong ng 6x6 truck sa malambot na bahagi ng kalsada at nadulas ito hanggang sa mahulog sa bangin. (Fer Taboy)