AKLAN—Isinusulong ng Department of Environment and Natural Resources (DENR-6) ang tamang pamamahala sa tatlong malalaking kuweba sa Boracay Island, isang global beach destination sa Malay, Aklan.

Sinabi ni Dr. Emelyn Peñaranda, DENR-6 conservation and development officer, sa Manila Bulletin na isang grupo ang mag-aaral sa Bat Cave, Crystal Cave, at Darkside of the Paradise Cave.

“These caves contain sensitive geological, archaeological, cultural, historical and biological values. These caves have high quality ecosystem,” sabi ni Peñaranda.

Partikular na ipaprayoridad ng DENR-6 ang Bat Cave, na malapit sa Puka Beach, ang tirahan ng mga nanganganib na uri ng paniki, ang “flying foxes”.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ayon kay Peñaranda, ang panukalang Boracay cave management plan ay unang sinimulan noong Nobyembre 2014.

Simula sa Enero 2016, pangungunahan ng DENR-6 ang pagrerepaso sa Boracay management plan na pinondohan ng Protected Area Management Enhancement Project ng German Agency for International Cooperation (GIZ).

Sinabi ni Peñaranda na kokonsultahin sa review ang major stakeholders ng Boracay, kabilang na ang pamahalaang lokal ng Malay at ang environmental group na Friends of the Flying Foxes, sa pamumuno ni Julia Lervik.

Ang panukalang cave management plan ay bahagi ng mas malaking mandato ng DENR-6 na muling pag-aralan ang coastal at marine management ng Boracay, na patuloy na nagpapaunlad sa lumalagong tourism industry. (Tara Yap)