NASUGBU, Batangas — Nalunod ang isang person with disability (PWD) na hindi nakalangoy nang lumubog ang sinasakyan nitong bangka kasama ang ina at apo sa Nasugbu, Batangas.

Sa naantalang report mula sa Batangas Police Provincial Office (BPPO), bandang 7:00 ng umaga noong Disyembre 15 nang lumubog ang bangkang sinasakyan ni Fernando Cos, 50, caretaker, ng Pulo Island. Nakaligtas naman sina Teresa Cos, 67, at Carlo Cos, 9.

Ayon sa ulat, sakay ng maliit na bangka ang mga biktima mula sa Pulo Island matapos kumuha ng inuming tubig at pabalik na sa Barangay Balaytigue nang hampasin sila ng malakas na alon.

Napag-alaman sa report ng pulisya na putol ang kaliwang paa ni Cos kaya hindi agad ito nakalangoy patungo sa dalampasigan. (Lyka Manalo)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?