Tinaya ng Department of Agriculture (DA) ang inisyal na pinsalang idinulot ng bagyong ‘Nona’ sa sektor ng agrikultura sa P732.59 milyon.

May kabuuang 20,309 ektarya ng agricultural areas na may tinatayang production loss na 35,533 metriko tonelada ang apektado sa Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region at Eastern Visayas. Ang mga apektadong kalakal ay ang bigas, mais, kamoteng kahoy, at iba pang high value crops, livestock at palaisdaan.

Samantala, umakyat na sa walo ang bilang ng mga namatay sa bagyong Nona, kinumpirma ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) noong Huwebes.

Sa kanyang update, binanggit ng NDRRMC na isa ang namatay sa Romblon; isa sa Albay, isa sa Masbate, dalawa sa Aurora at tatlo sa Samar.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Iniulat din ng ahensiya na 12 katao ang nagtamo ng mga pinsala sa Rehiyon 4-B at 5.

Iniulat ng NDRRMC na apektado ng bagyo ang 15,336 pamilya o 68,100 katao sa walong lungsod, 137 munisipalidad sa 17 lalawigan ng Rehiyon 4-A, 4-B, 5 at 8.

Sa bilang na ito, 12,229 pamilya o 53,850 katao ang nanunuluyan sa 248 evacuation center.

May kabuuang 109,065 bayan ang nasira (13,330 total at 95,735 partially damage) sa Rehiyon 4-A, 4-B, 5 at 8.

Idineklara na ang state of calamity sa mga lalawigan ng Sorsogon at Albay sa Bicol Region at Cabanatuan City sa Nueva Ecija. (ELLALYN DE VERA at ng PNA)