Umani ng patung-patong na batikos ang desisyon ng pamunuan ng National Collegiate Championships (NCC) na dating kilala bilang Philippine Collegiate Champions League PCCL na ideklara na lamang co-champions ang mga koponang magwawagi sa dapat sana’y semifinals matches ng torneo.

Nagdesisyon ang pamunuan ng torneo na ideklara na lamang co-champions ang dalawang koponang magwawagi sa dapat sana’y semifinals ng liga makaraang makansela ang orihinal na schedule nito noong Miyerkules ng hapon sanhi ng pananalasa ng bagyong ‘Nona’.

Habang isinasara ang pahinang ito ay magkasunod na maglalaban sa San Juan Arena kahapon ang mga Metro Manila semifinalist at nakaraang NCAA finals protagonist San Beda at Letran at ang UAAP champion Far Eastern University at ang Visayas squad University of San Carlos.

“(It’s) sad. Just sad. Provincial teams, like teams from the Cesafi, look at the PCCL as the top of the mountain, the greatest obstacle for provincial teams to overcome. PCCL is supposed to be our Super Bowl, our NBA Finals, our World Series, our Stanley Cup,” pahayag ni Cebu Congressman Gerald Gullas na siya ring bise president at team manager ng Univeristy of Visayas, isa sa mga koponan mula sa South na nakapasok sa Elite 8 ng torneo sa panayam dito na lumabas sa Spin.ph.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nanahimik si Gullas sa nangyari sa kanyang koponan na kinailangang magbiyahe ng tatlong oras patungong Tanauan, Batangas noong Lunes kung saan nagtulak pa ng kanilang van ang kanilang mga players makaraan nitong tumirik sa highway patungong Batangas kung saan ginanap ang Elite 8 matches.

Pagdating sa venue ay wala man lamang silang maayos na mapagpapahingahan at nagkasya na lamang na matulog sa bleachers habang naghihintay ng oras ng kanilang laban.

Ngunit sa pinakahuling desisyon na ito ng NCC organizer, naniniwala ang mambabatas na kailangan na niyang manindigan.

“As a matter of fact, whether it is USC, UV, the University of San Jose-Recoletos, Southwestern University or any Cesafi team, we are all one when a fellow Cebuano has a chance to win it all,” ani Gullas sa panayam sa kanya ng Spin.ph.

“Even though they beat us in the Cesafi and after UV got eliminated in the PCCL, I was hoping USC would be called the best team in the country. It will give credit not just to USC, but Cebu basketball as well.

“The PCCL, the tournament that is supposed to be the pinnacle for every Cebu team every year, has become a joke and honestly a laughing stock in a basketball-crazy country such as ours. Kawawa ang mga taga-probinsya. Kawawa ang taga-Cebu. Kawawa tayong lahat!” dagdag nito. (Marivic Awitan)