ANG mga pulitiko sa Pilipinas, kung seseryosohin mo, at kung mahina-hina ang iyong kukote, malamang na mauna ka pang dalhin sa mental hospital kaysa mga pulitikong ito. Mantakin mo namang itong sina dating DILG Secretary Mar Roxas at Davao City Mayor Rodrigo Duterte ay nagkahamunan. Nagkantyawan tungkol sa mga pinagtapusan sa pag-aaral at nang magkapikunan, naghamunan ng sampalan. Nang hindi natuloy ang sampalan, naghamunan naman ng suntukan at ngayon ay barilan na.

Alam naman ng sambayanang Pilipino na pakulo lamang ito ng dalawa at malabong matuloy. Kung totoong magsasampalan ay hindi na magbabantaan pa kundi magsasampalan na agad. At kung magsusuntukan naman ay wala nang hamunan, magsuntukan na lang at tuluyan nang magbabarilan kung gusto nila.

Sa mga Pinoy, ang banta at hamunan ay ginagamit lang ng mga bakla. Ang mga tunay na lalaki ay naghahamunan.

Kung sampalan lang ang gusto ng mga Pinoy, hihintayin na lang nila ang pelikula ni Nora Aunor. At kung suntukan naman, madali na lang na panooring muli ang laban nina Nonito Donaire at Manny Pacquiao. At kung barilan? Maraming lumang pelikula si FPJ. Kaya bakit maghihintay pa sila ng tiyak namang hindi matutuloy?

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ang ginagawang patutsadahan ng dalawang kandidato para sa pinakamataas na puwesto sa bansa ay walang maidudulot na buti sa mamamayan. Hindi ganyan ang kanilang hinihintay. Hinihintay ng mga Pinoy ang paghahayag nila ng gagawing solusyon sa mga problema ng bansa kapag nanalo. Ano ang gagawin nila sa grabeng trapiko, sa problema sa LRT at MRT, sa kabi-kabilang patayan, sa panggugulo ng Abu Sayyaf, sa lumalalang graft and corruption, at higit sa lahat, sa contractualization at pagsugpo sa kahirapan?

Ang mga ito ang hinihintay na marinig sa kanila ng mga botante at hindi ang mga bangayan. Walang mapapala ang mamamayan d’yan. Nagiging salaula lang ang mga pulitiko at pagtatawanan tayo ng ibang bansa.

Ang pagkakantyawan at pagtatalakan ay kabaklaan. Ang paghahamunan, suntukan man o barilan, ay kamachohang walang saysay. Ang hinihintay ng bayan ay katalinuhan, kahinahunan, at pantay na pagpapatupad ng batas. (ROD SALANDANAN)