Hiniling ng isang obispo ng Simbahang Katoliko sa Pangulo na palayain ang mga bilanggong matatanda na at may sakit.

Sinabi ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo na nananalangin siyang kahabagan ni Pangulong Benigno Aquino III ang mga bilanggo lalo na ang mga maysakit, may kapansanan at matatanda ngayong Pasko at Jubilee Year of Mercy.

“Ngayong Jubilee Year of Mercy, dapat maging mahabagin tayo at isang malaking sektor na dapat kahabagan ng Pangulo, mayroon siyang karapatan sa kanyang clemency o pagbibigay ng pardon sa mga bilanggo natin na mga may sakit, may kapansanan, matagal nang nakakulong, matatanda na puwede ng palayain.

At sila ay narekomenda na ng Board of Pardon and Parole na puwede nang palayain,” panawagan ni Pabillo kay PNoy sa panayam ng Radio Veritas. (Mary Ann Santiago)

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji