CHICAGO -- Simula pa lamang ay umatake na si Derrick Rose at katuwang niya si Jimmy Butler upang giyahan nila ang Chicago Bulls tungo sa 98-85 na paggapi sa Memphis Grizzlies.

Nagtapos na topscorer si Butler para sa Bulls sa kanyang iskor na 24 puntos habang sumunod naman si Rose na may 19 puntos.

Hindi alintana ni Butler ang katotohanang kagagaling lamang niya sa sakit at ginamit ng Bulls ang kanilang matinding pananalasa sa third period para makamit ang ikaapat na sunod na panalo.

“It just adds another dimension to our team when those guys are vocal and pushing guys,” ani Joakim Noah. “Today was definitely the best I’ve seen.”

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ayon kay Rose ay muli niyang haharapin ang anumang depensa na ibibigay sa kanya ng kalaban at nilinaw naman ni coach Fred Hoiberg na gusto niyang masundan ang ganitong laro na ipinakita ng Bulls partikular ang dating league MVP.

“I think the big thing is just to continue to stress it,” ani Hoiberg. “We’ve been working on it a lot in practice.

It certainly carried over tonight.”

Sa pangunguna sa atake nina Rose at Butler, napunta sa kanila ang atensiyon ng mga defenders na naging daan naman upang maging open si Doug McDermott .

Sinamantala ni McDermott ang pagkakataon at nagtala ng 17 puntos na kinabibilangan ng apat na 3 pointers habang nagposte naman si Pau Gasol ng 10 puntos at 14 rebounds sa kanyang ika-21 laro kontra sa nakababatang kapatid na si Marc.

Nakapagtala muli ng kanyang season high na 18 puntos si Courtney Lee para sa Memphis na nabigo sa ikatlong pagkakataon sa huling apat nilang laban.

Nagtala ang Grizzlies ng 5 of 19 shooting sa kanilang 3-pointers at 16 of 28 naman sa foul line.

Nagmintis si Mike Conley (8 puntos) ng pito sa kanyang walong attempts sa 3 point arc habang mayroon lamang 8 puntos at 7 rebounds si Marc Gasol.

“Tough night for them,” ayon kay coach David Joerger. “Trying to get them going, trying to put the ball in their hands. Neither guy is a guy that you feature and they believe that it’s to score, score, score. They’re pure-hearted. They’re going to make the right play. Both of them had a tough night offensively.” (AP)