Matapos magpakita ni dating University of Santo Tomas King Tiger Kevin Ferrer sa huling ensayo ng Gilas Pilipinas ngayong taon, inaasahan namang susunod sa kanya at mag-i-ensayo na rin para sa Gilas ang UAAP champion Far Eastern University forward at UAAP Season 78 Finals MVP na si Mac Belo kapag nagbalik ang koponan sa ensayo sa 2016.

Kinumpirma ito mismo ni Tamaraws coach at isa sa mga assistant mentors ng Gilas na si Nash Racela.

Ani Racela, talagang inimbitahan ang tatlong malalaking pangalan sa UAAP men’s basketball na kinabibilangan din ni Season 77 at 78 back-to-back MVP Kiefer Ravena ng Ateneo na nauna nang nagpakita sa ensayo ng Gilas bago dumating si Ferrer.

“Inimbitahan talaga silang tatlo, kaso di nakarating si Mac , so probably sa January na sya pupunta,” ani Racela.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ngunit bukod sa tatlo, sinabi ni Racela na mayroon pa silang mga inimbitahang mga college players para lumahok sa ensayo ng Gilas bukod kina Ravena, Ferrer at Belo.

“Basta nagbigay lang kami ng mga pangalan, pero wala pang definite dun,” paliwanag nito.

Samantala, ikinatuwa naman ni national coach Tab Baldwin ang pag-i-ensayo nina Ravena at Ferrer na aniya’y malaking tulong para sa kanial dahil sa napataas ng mga ito ang enerhiya sa ensayo na aniya’y siyang kulang na kulang sa kanila.

“Id’ say it’s really good for the young guys and the environment that we have here. They give a little bit of energy and intensity that we’re lacking sometimes and obviously now bodies that we’re also lacking. I think it’s a positive all the time,” ani Baldwin.

“They’re just here at my behest,” ayon pa sa bago rin lamang na katatalagang Ateneo mentor na si Baldwin patungkol kina Ravena at Ferrer. “They’re helping us out, but obviously it’s something good for them and it makes a good impression on the Gilas coaching staff for the future whenever that future is.” (Marivic Awitan)