Sinuportahan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang plano ng pamahalaang lungsod ng Maynila na isailalim sa rehabilitasyon ang Quinta Market sa Quiapo at gawin itong isang commercial hub na konektado sa Pasig River ferry system.

Naniniwala si MMDA Chairman Emerson Carlos na dadami ang tatangkilik sa Pasig River ferry system na pinangangasiwaan ng ahensiya.

“Kung gusto nilang magtayo ng bagong ferry terminal doon, wala kaming problema d’yan. Sila naman ang magpopondo sa proyekto, hindi kami,” ayon kay Carlos.

Sa kasalukuyan, may 11 istasyon ang Pasig River ferry sa Pinagbuhatan at San Joaquin sa Pasig City; Guadalupe at Valenzuela sa Makati City; Hulo sa Mandaluyong City; at PUP-Sta. Mesa, Sta. Ana, Lambingan, Lawton, Escolta, at Plaza Mexico sa Maynila.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Ito ay magandang proyekto ni Mayor Erap. Palalakasin nito ang operasyon ng ferry at makatutulong sa mga tindero ng isda. Gusto rin ng mga consumer na magkaroon ng sariling fishport sa Maynila,” aniya.

Base sa ulat, planong gawin ang Quinta Market bilang isang bagong commercial hub sa Maynila, na ang kalakal ay idadaan sa makasaysayang Ilog Pasig. (Anna Liza Villas-Alavaren)