Inihayag ni Labor and Employment Secretary Rosalinda Dimapilis-Baldoz na may kabuuang 4,000 manggagawa sa MIMAROPA at Region 8 ang lubhang naapektuhan ng bagyong ‘Nona’, at siniguro ng kagawaran na bibigyan ng trabaho ang mga ito upang tulungang makabangon mula sa pinsalang dulot ng kalamidad.

Ang bilang ng mga apektadong trabahador ay base sa assessment ng DoLE Regional Quick Reaction Teams.

“We are working with the International Labor Organization (ILO) which pledged assistance for the emergency employment, since the DoLE, at this time of the year, has exhausted its funds under the Tulong Alalay Panghanapbuhay for Displaced Workers, or TUPAD,” sabi ni Baldoz.

Kaugnay nito, agad na iniutos ni Baldoz sa mga regional director ng Region 4-A, Region 4-B, Region 5, Region 8 at iba pang rehiyon na lubos na naapektuhan ng bagyong Nona na makipag-ugnayan sa ILO para sa agarang pagpapatupad ng employment program.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“I also instructed them to complete within the week the assessments of their respective QRT,” dagdag pa ni Baldoz.

Sa Bicol Region, inihayag ni Regional Director Nathaniel Lacambra na wala namang naiulat na mga manggagawang nawalan ng trabaho dahil sa nasabing bagyo, subalit may mga trabahong natigil sa ibang bahagi ng rehiyon simula pa noong Lunes.