BATANGAS CITY — Malakas pa ngunit matanda na ang alkalde ng Batangas City kaya nagdesisyon itong iurong ang re-election bid sa halalan 2016.

Isinalin ni Mayor Eddie Dimacuha, 72, ang kanyang pagtakbo sa anak na si Beverly Dimacuha-Mariño matapos iurong ang kanyang Certificate of Candidacy (CoC) noong Disyembre 10.

Sinabi ni Board Member Marvey Mariño, na nagpasyang tumakbo ang kanyang asawa matapos magdesisyon ang matandang Dimacuha na magpahinga na sa pulitika.

Si Dimacuha ay 20 taong nanungkulan bilang alkalde ng lungsod sa kabuuan simula noong 1988. Pinalitan siya ng anak na si Dondon Dimacuha at maybahay na si Vilma Dimacuha sa mga panahong natapos niya ang tatlong termino.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

(Lyka Manalo)