vhong copy copy

ITINANGGI ni Vhong Navarro ang kumakalat na binayaran siya ng P6M para lumabas sa music video ni Mar Roxas kasama sina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Billy Crawford, Jay-R, Kris Lawrence, Karylle, Ramon Bautista, James Yap, Melai Cantiveros, Jason Francisco, stand-up comedian Lassy at iba pa.

Tulad ng KathNiel na una nang nagpahayag na wala silang bayad na tinanggap mula kay Mar, ganito rin ang pahayag ni Vhong.

“Hindi po, wala po akong bayad do’n, nililinaw ko lang po, wala po akong perang tinatanggap do’n,” mariing sabi ng isa sa hosts ng It’s Showtime.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Anyway, excited si Vhong sa pagbabalik horror film niya sa Buy Now, Die Later na entry ng Quantum Films, MJM Productions, Tuko Film Productions at Buchi Boy Films sa 2015 Metro Manila Film Festival.

Huling napanood si Vhong sa Da Possessed kasama sina Solenn Heussaff at John ‘Sweet’ Lapus noong 2014. Isang taon lang naman ang pagitan pero inamin ng komedyante na hirap siya sa schedule kaya hindi siya makagawa dahil nga araw-araw siya sa Showtime.

“’Eto nga po, ang problema namin nu’ng nagsu-shoot ako dito, ang hirap po ng schedule, kasi minsan ‘pag kailangan namin ng day effect, nakakapunta po ako after Showtime, or minsan po, kukunan ako ni Direk (Randolph Longjas) ng before Showtime, so nahihirapan po sila sa sched.

“Minsan po, kailangan nang ipagpaalam, medyo mahirap pong ibigay, especially kung marami rin pong absent du’n sa mga hosts,” paliwanag ni Vhong.

Ang kakaibang kuwento ng Buy Now, Die Later ang dahilan kaya tinanggap ni Vhong ang project na itinuturing na dark horse dahil pawang malalaking artista ang makakatapat nila sa MMFF 2015.

“Dahil alam ko nga na ‘yung babanggain namin this coming filmfest, eh, malalaking artista, malalaking pelikula, kung baga, sabi ko, hindi ko na in-expect mag-no. 1, no. 2 kasi gusto ko ‘yung project,” katwirang ng aktor.

“Gusto ko ‘yung character ko, so naniniwala na lang ako na bilang isang artista, hindi pa ako nakakagawa ng ganitong character sa buhay ko at isa ito sa dream na p’wede kong gawin kasi alam ko, parang nagawa ko na lahat p’wera lang itong character na ito kaya ko tinanggap talaga ‘yung project. ‘Tapos ‘yung istorya namin, ang ganda ng pagkakadikit ng bawat character, so siguro ‘yun na ang pinakamagandang edge.”

Tatlong horror films ang mapapanood sa filmfest, ang Buy Now, Die Plater, Nilalang at Haunted Mansion.

(REGGEE BONOAN)