Ipinag-utos ni Northern Police District (NPD) Director P/ Chief Supt. Erick Reyes sa apat na police commander ng Caloocan-Malabon-Navotas at Valenzuela (CAMANAVA) Police Station, na hulihin at ikulong ang sinumang makikitang umiinom ng alak sa mga kalsada.

Sinabi ni Reyes na gabi-gabi ay may mga nagrorondang pulis para manghuli ng mga tumatagay sa mga pampublikong lugar alinsunod sa direktiba ni Philippine National Police (PNP) Director General Ricardo Marquez at batay na rin sa mga ordinansa sa apat na lungsod.

Nililinaw din ni Reyes sa publiko na hindi sila mga “killjoy” sa pagdaraos ng Pasko at Bagong Taon, kundi iniisip lamang nila ang kaligtasan ng mamamayan.

“Gulo pa kasi ang minsan idinudulot ng pag-inom sa kalsada at nakakahiya naman doon sa mga nagdaraang tao,” ani Reyes. (Orly L. Barcala)

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador