Inaprubahan sa bicameral conference ang tax incentive para sa Persons With Disabilities (PWDs).
Ayon kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto, inaprubahan nila nitong Martes ng umaga ang panukalang batas na nagbibigay ng 20% discount sa Value Added Tax (VAT) sa mga PWD.
Papayagan ang mga kamag-anak ng PWD hanggang sa 4th civil degree na makakolekta ng tax deduction mula sa P25,000 annual income tax.
Sa kasalukuyang Magna Carta for Disabled Persons, 20% ang diskuwento sa mga gamot, laboratory, transportasyon at sa mga sinehan.
Sa 2010 Census of Population and Housing aabot sa 1.443 million PWD o 1.57 % ng populasyon ng bansa. (Leonel Abasola)