pr copy

Pormal nang pinasinayaan ng Manila Water at nina Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Rogelio Singson, Department of National Defense (DND) Usec. Jesus Millan, Taguig City Mayor Laarni Cayetano, Ayala Corporation President at COO Fernando Zobel de Ayala, ang Taguig North Sewage Treatment Plant (STP) sa Western Bicutan sa Taguig City.

Ito ang isa sa pinakamalalaking STP ng Manila Water na may kakayahang makapaglinis ng hanggang 75 milyong litro na gamit na tubig sa loob ng isang araw. Lilinisin ang mga nagamit na tubig ng 292,000 residente bago tuluyang ibalik sa Maricaban Creek.

“Gamit ang ‘world class’ na disenyo at teknolohiya, ang proyektong ito ay mahalagang karagdagan sa aming layuning palawigin pa ang serbisyong pang-kalusugan at kalinisan sa silangang kunsesyonaryo. Makatutulong din ito sa pananatiling malinis ang mga ilog sa Metro Manila dahil ang tubig na nanggagaling sa STP ay malinis na at hindi na makakadagdag sa polusyon sa mga daluyang tubig.” ani Geodino Carpio, Manila Water Operations Group Director for Corporate Operations.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Gumagamit ang STP ng tinatawag na “sequencing batch reactor (SBR) technology,” na makakapagpababa ng gastos ng operasyon at maging sa “carbon footprint” ng planta. Ito ay matatagpuan sa ilalim ng 2-ektaryang lupaing iginawad ng Department of Nation Defense sa Manila Water sa pamamagitan ng Memorandum of Agreement (MoA) na nilagdaan noong 2010.

Binuksan din ang Liwasan ng Kagitingan at Kalikasan na itinayo sa ibabaw ng STP. Ito ay natatanging tampok ng liwasan ay ang pitong “mural” na nagsasaad ng kagitingan ng mga Pilipino mula sa pagkakatatag nito bilang isang bansa hanggang sa pananatili ng katahimikan sa bansa.