VATICAN CITY (Reuters) — Binalaan ni Pope Francis noong Miyerkules ang mga Katoliko laban sa mga manloloko na naniningil sa kanilang pagdaan sa “Holy Doors” sa mga cathedral sa buong mundo, isang ritwal sa kasalukuyang Jubilee year ng Simbahan.

“Be careful. Beware anyone who might be a little fast and very clever who tells you have to pay. No! You don’t pay for salvation. It is free,” pahayag niya sa libu-libong dumalo sa kanyang weekly audience sa St. Peter’s Square.

Sa panahon ng isang taong selebrasyon na nagsimula noong Disyembre 8 at isa sa pinakamahalagang tagpo para sa 1.2 bilyong miyembro ng Simbahan, ang mga deboto ay maglalakbay sa Rome at iba pang religious sites sa buong mundo, karamihan ay sa mga cathedral sa kanilang mga lugar.

Ang pagdaan sa banal na pinto ng isang simbahan, nakapinid maliban sa Holy Year, ay sumisimbolo ng pagdaan ng mga Katoliko sa kasalanan patungo sa pagpapala.
Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture