CITY OF ILAGAN, Isabela - Isang retiradong miyembro ng Philippine Army ang inaresto ng pulisya dahil sa pagpapaputok ng baril at pagtatangka sa buhay ng kanyang live-in partner.

Mismong si Supt. Manuel Bringas, hepe ng Ilagan City Police, ang nagpursigeng wakasan ang pang-aabuso ni Marcelo Asuncion, dating miyembro ng 54th Infantry Battalion sa Tanay Rizal, at residente ng Barangay Alibagu, City of Ilagan, Isabela.

Nakumpiska mula kay Asuncion ang isang .45 caliber Armscor, isang magazine na may limang bala, at ilan pang bala.

Ayon sa imbestigasyon, lasing na umuwi ang suspek at tinangkang patayin ang kanyang live-in partner bago nagpaputok ng baril. (Liezle Basa Iñigo)
Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito