Hindi nakaligtas sa bagyong “Nona” ang mga laro sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) kahapon sa sa pananalsa nito sa bansa noong pang lunes ng gabi.Kabilang sa mga nakanselang laro kahapon ang mga naka-schedule na match sa volleyball, football, lawn tennis at gayundin sa soft tennis.
Ang NCAA volleyball ay pansamantalang inilipat sa Ninoy Aquino Stadium hanggang Biyernes dahil sa pagbibigay daan sa mga laro ng Philippine Collegiate Champion’s League (PCCL) na magpapatuloy bukas kung magiging maganda na ang lagay ng panahon.
Kasama rin sa naipagpaliban ang mga laro sa football na ginaganap na Rizal Memorial Track and Football Stadium gayundin ang mga laro sa lawan tennis at soft tennis na kapwa naman idinaraos sa Rizal Memorial Tennis Center.
Ang anunsiyo ay nagmula kay NCAA Management Committee (ManCom) chairman ng season host Mapua dulot na rin ng ginawang kanselasyon ng klase ng Department of Education (DepEd) sa lahat ng antas sa Metro Manila.
Magkakaroon na lamang ng kaukulang adjustment sa mga schedule ng mga nabanggit na event na isasagawa ng kani-kanilang host na Letran para sa volleyball, University of Perpetual sa lawan at soft tennis at San Sebastian College naman sa football. (MARIVIC AWITAN)