Nagpasalamat si Manila Vice Mayor Isko Moreno sa resulta ng latest Pulse Asia survey, kung saan nakuha niya ang puwestong No. 13, kasabay ng pagpapahayag na mas lalo siyang magpupursige upang manalo sa pagkasenador kahit bagito pa lamang siya sa national elections.

“Malaking karangalan po sa isang katulad ko na hindi galing sa isang sikat o kilalang pamilya na mapasama sa tinatawag nilang winning circle pero malayo pa po ang byahe at kahit masikip ang daan, ako ay patuloy na naniniwala na darating ang panahon na mabibigyan din ng pagkakataon ang mga katulad ko na makapaglingkod sa ating bayan,” ani Moreno.

Si Moreno, na umakyat sa ika-13 puwesto, dating ika-17, sa latest Pulse Asia Survey (Nobyembre 8-15), ay nagpahayag ng kanyang pasasalamat sa lahat ng mga nagpapakita ng tiwala sa kanyang kakayahan kahit na bagito lamang siya senatorial race.

Ayon kay Moreno, national president ng Vice Mayors League of the Philippines, na pinag-aaralan pa rin niya ang mga sistema sa national campaign lalo pa’t nakikita niya ang suporta at tiwala ng publiko sa mga lugar na kanyang binibisita.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Sa kanyang 18 taong karanasan sa paggawa ng batas dahil sa pagiging konsehal at bise alkalde. (Beth Camia)