“Give the benefit to the person concerned. Let the people decide!”

Ito ang reaksyon ni dating Pangulong Fidel V. Ramos sa disqualification case ng presidentiables na sina Sen. Grace Poe at Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Sa Pandesal Forum sa Kamuning Bakery, pinayuhan ni Ramos ang publiko na piliin ang ‘globally competitive’ president at “go for the younger ones… younger than me!” pabiro niyang pahayag.

Ayon kay FVR, dapat ang isang pangulo ay tapat sa Diyos at sa bayan, makakalikasan, mapagmahal, mapagbigay at matapang.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Pinayuhan naman niya ang presidentiables na iwasang magbatuhan ng putik at “act like world-class.”

Binigyang-diin niya na dapat isipin ng mga kandidato ang susunod na henerasyon at hindi lamang ang susunod na anim na taon.

“He/she must transform once he or she is in Malacañang,” wish ni Ramos sa mapipiling pangulo. (Mac Cabreros)