DAGUPAN CITY, Pangasinan - Nagbabala kahapon ang isang opisyal ng Department of Health (DoH)-Region 1 sa publiko laban sa food poisoning dahil sa kabi-kabilang kainan at Christmas party hanggang Pasko.

Sa panayam ng Balita, sinabi ni Dr. Myrna Cabotaje, ng DoH-Region 1, na ang food poisoning ay kadalasang sanhi ng hindi malinis na paghahanda ng pagkain, hindi paglalagay sa refrigerator ng mga natirang pagkain, at masyadong mataas na temperatura sa imbakan ng pagkain.

Aniya, mahalaga ang malinis na paghahanda ng pagkain at dapat na hindi ito pinagtatagal sa refrigerator.

Sinabi pa ni Cabotaje na huwag nang kainin ang pagkain kapag may kakaiba na itong amoy at maasim ang lasa.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

(Liezle Basa Iñigo)