SINGAPORE (Reuters) — Isang twelve-crew member bunker freighter na may dalang 560 metriko toneladang bunker fuel ang lumubog sa Singapore Strait matapos bumangga sa isang chemical tanker dakong 8:14 p.m. noong Disyembre 16.

Walang iniulat na oil spill mula sa bunker freighter na Thorco Cloud na binabandila ang watawat ng Antigua and Barbuda. Sinabi ng Maritime and Port Authority of Singapore (MPA) na katuwang nito ang Indonesian authorities sa pagsusuri at pagmamarka ng lumubog na barko upang matiyak ang navigational safety.

Iniwan ng insidente sa tubig ng Indonesia may 6 nautical miles sa hilagang kanluran ng Batam, ang Cayman Islands-registered chemical tanker na Stolt Commitment na may bahagyang pinsala ngunit matatag na kondisyon, ayon sa MPA.

Anim sa crew member ng freighter ang nasagip habang anim pa ang pinaghahanap.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture