Isang bahay, na ginawang imbakan ng ilegal na droga, ang sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Las Piñas City Police kung saan nakumpiska ang anim na plastic bag na naglalaman ng tinatayang anim na kilong shabu sa nabanggit na lungsod, kahapon ng umaga.

Dakong 10:00 ng umaga nang pasukin ng awtoridad, kasama ang ilang opisyal ng barangay, ang bahay sa No. 24 Aguirre St. corner El Grande Avenue, BF Homes, Las Piñas City, sa bisa ng search warrant na inilabas ni Quezon City Regional Trial Court (RTC) Judge Fernando Sagun Jr.

Noong Sabado, unang naaresto ng mga pulis sa buy-bust operation sa Taguig City ang suspek na si Daniel Makahidhid na nahulihan ng 10 kilo ng shabu habang sa SM Mall of Asia sa Pasay City naman nasakote ang pinaghihinalaang Chinese drug dealer na si Chiu Chin Chun, alyas “Chiu,Giu Jian.”

Si Chun ang itinuturo ng pulisya na may-ari ng sinalakay na bahay sa Las Piñas City.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Nalaman ng awtoridad sa kanilang impormante na ang bahay ng Chinese ay imbakan ng shabu at ito ang naging dahilan para irekomenda sa korte na magpalabas ng search warrant.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya habang nasa kustodiya ng PDEA sina Makahidhid at Chun. (Bella Gamotea)