CAMP JUAN, Ilocos Norte – Walong katao ang nakulong matapos silang kasuhan ng theft at estafa sa kabiguang magbayad ng P295,895 bill sa 10 araw nilang pananatili sa Hanna’s Beach Resort and Convention Center sa Sitio Malingay, Barangay Balaoi, Pagudpud, Ilocos Norte.

Kinilala ni Senior Supt. Albert Ocon, director ng Ilocos Norte Police Provincial Office, ang mga naaresto na sina Renz Carlo Venal y Gonzales, 21; at Erica Venal y Pare, independent distributor ng Royale, kapwa taga-Bgy. Pampang, Angeles City, Pampanga; mag-asawang sina Charito Alfonso y Vergara, 44; at Romabelle Alfonso y Danting, 40, kapwa ng Bgy. San Vicente, Apalit; mag-asawang sina Restituto Danting y Dela Cruz, 66, at Feliza Danting y De Guzman, 66, parehong taga-Bgy. San Vicente Apalit; si Christian Niño Alfonso y Danting, 24, designer at taga-Bgy. San Vicente, Apalit; at isang siyam na taong gulang na bata.

Napaulat na nag-check in ang dalawa nitong Disyembre 4 at nang mag-check out ng Disyembre 13 ay umabot sa P295,895 bill ng mga ito.

Natuklasan din ng mga empleyado ng resort na may mga nawawalang gamit sa mga silid na inokupa ng mga suspek, gaya ng dalawang DVD player na nagkakahalaga ng P3,000 bawat isa, dalawang Dream Decoder na nasa P1,990 bawat isa.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

(Freddie G. Lazaro)