Hinatulan ng isang Nigerian court noong Martes ang limang marino mula sa Pilipinas at apat mula sa Bangladesh na pumiling makulong o magbayad ng malaking halaga matapos mapatunayang nagkasala sa oil smuggling.

Inaresto ang mga suspek noong Marso sa Lagos Lagoon habang sakay ng MT Asteris, na ayon sa mga prosecutor ay ginamit para illegal na mag-imbak ng 3,423 toneladang crude oil.

Ang bawat isa ay isinakdal sa four counts of illegally storing crude oil.

Ito ay may katumbas na limang taong pagkakakulong ngunit ang sentensiya ay magkakasabay na ipatutupad. Ibig sabihin, ang siyam ay nahaharap sa limang taong pagkakakulong.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Gayunman, maaari silang magbayad ng multang 20 million naira ($100,000 o P4,732,950).

Sinamsam na ng gobyerno ang barko.

Ang pinakamalaking oil producer ng Africa ay nalulugi ng bilyun-bilyong dolyar bawat taon dahil sa mga pagnanakaw ng krudo mula sa mga sinabotaheng pipeline at illegal refining ng oil products.

Ipinagbibili ang langis sa black market, kayat napagkakaitan ang pinakamataong bansa sa kontinente ng tinatayang $6 billion bawat taon sa nawalang revenue.

Karaniwan na ang pagkakasakdal sa oil smuggling ngunit sa maraming kaso ang mga nagkasala ay nakakalaya matapos magbayad ng multa. (Agence France-Presse)