Hindi umubra sa airport authorities ang modus ng isang 39-anyos na Venezuelan na nilunok ang 92 pellet na naglalaman ng P6.6-milyon halaga ng cocaine na sana’y ipupuslit sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 at nagresulta sa kanyang pagkakaaresto noong Linggo.

Ayon kay NAIA Customs District Collector Edgar Macabeo, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa US Drug Enforcement Agency (DEA) na may pasaherong magtatangkang magpasok sa NAIA ng malaking halaga ng cocaine, kaya pinakilos nila ang Airport Task Force.

Dumating sa paliparan ang suspek na si Andres Rodriguez lulan ng Philippine Airlines mula sa Abu Dhabi na walang bagahe subalit may bitbit na bag. Nang inspeksiyunin ng ATF ang bag, nagnegatibo ito sa droga.

Subalit walang tigil ang kahol ng isang K9 ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nang ilapit ito kay Rodriguez.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ito ang dahilan kaya binitbit ang Venezuelan sa Philippine General Hospital (PGH) upang sumailalim sa x-ray at dito natuklasang may maliliit na lobo sa loob ng kanyang tiyan.

May timbang na 13 gramo ang nabawing cocaine pellet kay Rodriguez.

Ayon sa mga opisyal ng ATF, kayang lumulon ang isang drug courier ng hanggang 120 maliit na lobo na naglalaman ng cocaine bago ito “iluluwal†sa pag-inom ng isang uri ng medisina.

Anila, umiinom din ang mga drug courier ng laxative upang madaling dumaan ang lobo sa kanilang lalamunan at bituka.

(Ariel Fernandez)