KALIBO, Aklan - Apektado ang supply ng lamang dagat sa Boracay Island sa Malay dahil sa red tide.

Ayon kay Odon Bandiola, Sangguniang Panglalawigan secretary, umabot sa 2,000 mangingisda ang hindi nakapagsu-supply ng lamang dagat sa isla matapos tamaan ng red tide ang mga bayan ng Altavas, Batan, at New Washington sa Aklan.

Kasalukuyan nang tinutulungan ng pamahalaang lokal ang mga mangingisdang hindi makapag-hanapbuhay lalo na ngayong nalalapit ang Pasko.

Ayon kay Bandiola, malaking tulong ang idineklarang state of calamity ng Sangguniang Panglalawigan dahil magagamit na ng mga lokal na pamahalaan ang calamity fund ng mga ito. (Jun N. Aguirre)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito