Sinelyuhan na ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang dulo ng kanilang service firearm para tiyakin na hindi sila magpapaputok ng baril sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.

Ang aktibidad ay isinagawa sa flag-raising ceremony, na pinangunahan ni MPD Director Chief Supt. Rolando Nana, nitong Lunes.

Ayon kay Nana, ang pagseselyo ng dulo ng baril gamit ang masking tape ay bahagi ng kampanya ng MPD na gawing tahimik at ligtas ang selebrasyon ng Pasko at Bagong Taon.

Nagbabala pa si Nana na masisibak o papatawan ng parusang administratibo ang sinumang mapatutunayang nagpaputok ng baril sa Pasko, maliban kung may kinalaman ito sa pagtupad sa kanilang trabaho.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nabatid na tatanggalin lamang ang busal ng mga baril ng mga pulis pagkatapos ng pagsalubong ng Bagong Taon.

Layunin ng taunang tradisyon na mabawasan ang bilang ng mga namamatay o nasusugatang mamamayan na tinamaan ng ligaw na bala. (Mary Ann Santiago)