Isinama ni Supreme Court (SC) Chief Justice Maria Lourdes P. Aranal Sereno ang petition for certiorari na inihain ni Rizalito David laban sa Senate Electoral Tribunal (SET) para talakayin sa SC special en banc session sa Miyerkules.

Ito ay matapos irekomenda ni Associate Justice Marvic F. Leonen na isama sa agenda ng special en banc session ang desisyon ng SET na si Senador Grace Poe ay natural-born Filipino, kayat dapat siyang manatiling Senador ng Republika.

Si Justice Leonen ang itinalagang ponente sa petisyon ni David matapos i-raffle ang kaso noong Huwebes.

Kinukuwestyon ni David ang kwalipikasyon ni Poe bilang senador at ikinatwiran na hindi siya natural-born Filipino.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Ibinasura ng SET ang argumentong ito ni David kaya’t iniakyat niya ang kaso sa SC, binigyang-diin na inabuso ng SET ang discretion nito nang magpasya itong pabor kay Poe.

Ang huling regular session ng SC en banc ay noong Disyembre 8, 2015.

Gayunman, isang special session ang itinakda ng SC en banc sa Disyembre 16, 2015 upang talakayin at pagpasyahan ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) ng Pilipinas at ng United States at ng petisyon laban sa polisiyang “No Bio, No Boto” ng Commission on Elections (Comelec). (PNA)