Disyembre 16, 1917, nang sumuko ang pinuno ng puwersang Pakistani na si General Amir Abdullah Khan Niazi kasama ang 93,000 tropa, sa puwersa ng India at ng Mukti Bahini, na pinamunuan ni General Jagjit Singh Aurora. Matapos noon ay naging malayang bansa na ang East Pakistan, na ngayon ay Bangladesh.

Nangyari ito dalawang linggo makaraang salakayin ng mga Indian ang East Pakistan upang suportahan ang pagkilos para sa kalayaan ng teritoryo.

Nang matapos sakupin ng Britanya ang Indian subcontinent noong 1947, iprinoklama ang East Pakistan bilang bahagi ng Pakistan, kahit na ang mga lugar sa East at West Pakistan ay magkakalayo ng mahigit 1,000 milya.

Sa huling bahagi ng 1960s, lalong isinulong ng East Pakistan ang kalayaan. Tinangkang pigilan ng tropa ng West Pakistan ang independence movement simula noong Marso 1971, pinatay ang halos isang milyong Bengalis sa Bangladesh.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Naging malaya ang Bangladesh noong 1974.